Kaabang-abang din ang panunuod at pagbubukas ng telebisyon pagsapit ng Biyernes. Ang panonood ng mga cartoons ay napalitan ng mga Asianovela noong grade school at hayskul.
Naalala ko noong Grade 5 ako, nauso iyong palabas na Meteor Garden kung saan bida ang Taiwanese na bandang F4. Walang hapon na hindi ako humiling kay Mama na payagan akong magbukas ng telebisyon at manuod ng palabas na ito para lang abangan ang nakakakilig na mga eksensa at pagmasdan ang mga kinagigiliwan kong si Hua Ze Lei at Xi Men. Sinundan naman ito ng Koreanovelang, Lovers in Paris na pinapalabas tuwing gabi. Naalala kong tumatakas pa ako gabi-gabi para panuorin ito sa bodega namin na noon ay may telebisyon pa. Dito rin kasi nanunuod ang Papa ko gabi-gabi noon para hindi kami maistorbo sa pagtulog. Naalala ko rin ito at may araw na nakikipasabwatan akong manuod kay Papa at nangangakong hindi mahuhuli ng gising kinabukasan.
Pagsapit ng kolehiyo, mga dinownload na mga palabas na ang aking kinahiligan na panuorin sa telebisyon. Kung kaya naman naging parang kaugalian na naming magkakapatid na gamitin ang aming weekends bilang opisyal na mga araw para mag-movie marathon at tinuring na ring family time. Bilang isang telebisyon lang din ang may cable, kung manunuod lang din kami ng telebisyon, and madalas na panuorin ay cartoons o mga palabas sa HBO, Star Movies o mga channel na may magandang pelikula. Malimit na rin kasi ang mga palabas na pupukaw sa atensyon naming magkakapatid kaya pinakamainam na ang pelikula para mapagsama-sama kami sa panunuod ng walang away at mga diskusyon.
Nabibigyan na lamang ako ng update sa mga bagong lokal na palabas sa pamamagitan ng Internet. Sa katunayan ay hindi ko pa nga makikilala si Honesto kung hindi ko ito narinig sa isa kong katrabaho. Tuwing may libreng oras kasi ay nanunuod siya ng mga palabas sa telebisyon gamit ang Internet. Sa katrabaho ko ring ito kung kaya ako nagiging updated kay Vice Ganda, nakakahawa kasi iyong malakas niyang tawa sa opisina tuwing Linggo ng gabi kung kailan ipinapalabas ang Gandang Gabi Vice (GGV).
![]() |
| Kailangan ng ticket na ipapa-reserve mo pa bago makanuod ng taping ng mga palabas sa ABS-CBN. |
Kapansin-pansin din naman na nakakapukaw ito ng atensyon ng karamihan dahil linggo-linggo rin itong pumapatok sa Internet - Facebook, Twitter, etc.
![]() |
| Antay. Pila. Kasama naming nanuod si Sir Rowie. |
At ng palarin akong makapanuod ng isang live taping ng GGV, nakita ko ang dahilan sa likod ng malakas na tawa at malaking pagkatuwa ng karamihan sa palabas na ito.
![]() |
| Picture muna habang nag-aantay kasama sina Debbie at Liane. |
![]() |
| Gandang Vice! Hindi maganda ang kinalulugaran namin at bawal kumuha ng mga litrato 'pag nagro-roll ang camera kaya puro behind-the-scenes na lang. |
Nasaksihan ko ito ng mainterbyu niya ang magkakapatid na Cayetano na sina Pia, Allan at Lino na mga politiko. Sa interbyu na iyon, aasahan mo sigurong patungkol sa politika ang mapapagusapan. Napagusapan man nila ito, mas pumaibabaw pa rin ang halakhakan at dito kapansin-pansin ang personal side ng mga magkakapatid.
Bukod sa bida na nakakapukaw ng pansin, nariyan din ang staff na bumbuo ng palabas. Kakaibang hirap at pasensya ang ginugugol ng bawat isa sa kanila.
At isa sa mga pinakagigiliwan ko sa mga staff ay si Neggy na masasabi kong katuwang o sidekick ni Vice sa pagbibigay-aliw sa kanyang mga tagapanood. Bago pa lang kasi simula ang taping at sa kalagitnaan ng mga breaks, siya ang nagbibigay kasiyahan sa mga nasa studio bilang audience ng palabas. Katunayan, nakasama pa nga siyang kumanta ng kaklase kong si Liane.
![]() |
| Ang nakakatuwang babaita. :) |
![]() |
| Singing moment ni Liane kasama si Neggy. |
![]() |
| Walang katapusang pag-aantay. |
![]() |
| Sa likod ng camera ay may pagpapaganda, pagaayos, atbp. kaganapan. |
Sabi nga nila "Laughter is the best medicine," at sa kasong ito, katatawanan ang naging lunas sa pagkabagot, inip at pagod.
Tunay ngang maGanda ang isang Gabi kasama si Vice.








No comments:
Post a Comment